Wednesday, February 15, 2012

Anong ginagawa ng tao tuwing weekend sa LUNETA? (PHOTO STORY)





























Tuesday, February 14, 2012

EKSENA QUEEN sa jeepney


Sa totoo lang hindi ko alam kung pinanganak ako na may kakambal na kapalpakan o sadyang PALPAK lang talaga.

Tuwing naririnig ko ang "JEEPNEY" marami akong naaalalang mga karanasan na NAKAKALOKA as in NAKAKALURKY talaga, kaya nga sinasabihan ako ng iba na "born comedian " kuno daw ako? hmmm ndi ko naman sinasadyang maging ganun ang mga nangyayari sa akin  noh. Tuwing may nagyayari sa aking kakaibang eksena sa jeep agad ko itong pinopost sa fb o kinukweto at after ko ikwento sa kanila iisa lang ang kanilang sinasabi "Oo,ikaw na! Loka loka" sabay tawa.


Eto ang ilang eksena kong nagawa sa jeep, isshare ko lang ha. Wag kang tumawa.

EKSENA 1:

7am ng umaga ako umaalis sa bahay para mahabol ang alas otso ng umaga. Ang byahe ko ay from San Antonio to Muñoz Market , Muñoz Market to SM North at SM North to Quezon city hall pero ang baba ko ay sa wildlife . Kung iisipin mo napakalapit ko lang para sumakay ng tatlong beses sa pupuntahan ko - eto ang tinatawag na alanganing sakay.

SM North to Quezon city hall ang byahe ko ng araw na un ng biglang nagvibrate ang CP ko.
Gud morning han " -ang message na nareceived ko. Nang napansin kong malapit na ako sa lugar na bababaan ko. Kaso imbes na "PARA Manong" ang sasabihin ko . Ang nasabi ko ay "Good Morning Manong".
Aun, takaw eksena ang lola mo. Nagtinginan ang mga tao , may mga natawa, may mga pigil ang tawa, may mga nakangiti at may mga mukha na nagtataka kung bakit ako bumati ng Good Morning kay manong driver. Naku kung alam lang nila na kahit ako nagtataka kung bakit ganun ang sinabi ko hmp kakahiya =p

EKSENA 2:

Byaheng PRITIL naman eto. Weekend ng mga araw na iyon at nangako ako sa isang kaibigan na dadalawin ko sya.

Dalawang pila ng jeep ang nakita ko. Yung nasa harapang pila ay halos puno na. Samantalang ung nasa pangalawang pila ay mayroong apat o limang pasahero na nakasakay .Kaya mas pinili kong sumakay sa kabilang pila ng jeep kesa dun sa isang pila ng jeep na punuan *ayoko nga makipagsiksikan.

Pagkaupong pagkaupo ko sa loob ng jeep konting punas at suklay sa buhok ko gamit ang aking kamay. Hay ang init talaga! Sa isip isip ko. Nang napansin kong nakatingin ang mga tao sa jeep, isama mo pa ang ang driver nito. Shit! Conscious ang lola mo na baka kung anong meron such ang everything sa mukha ko . 

Ilang segundo lang at nagsalita ung isang pasahero na malapit sa likuran ng driver. 

"Ate, lipat po kayo sa kabilang jeep" 

Nagtaka ako kaya tinanong ko "Bakit naman?"

"Eh kasi po FAMILY USE to"

"Ayyyyyyy sorry naman hehe" sabay baba. 

Oh diba? Pahiya konti , bukas bawi? lol

EKSENA 3:

Common sa mga girls na sumasakit ang dibdib after magkaroon ng bwan ng dalaw at sobrang masakit eto lalo na kung nakasakay ka sa isang sasakyan na masyadong maalog at mabilis magpatakbo. QC Hall to Pantranco naman ang byahe ko pauwi na mas tipid ng isang sakay kesa sa papasok.

Madalas QUIAPO na sign ang sinasakyan ko para siguradong dadaan sa Pantranco. Ok na sana ung jeep, bongga ang soundtrip *LOVE song e inlab ata c manong. Maganda ang upuan at maluwag dahil wala gaanong tao. Sa pagkakatanda ko mga pito o walong tao ang laman ng jeep . Ang problema lang dito sa jeep ay masyadong mabilis magpatakbo , ung tipong nakikipagkarera . Alam mo ba ung feeling na nasa loob ka ng CAR racing na nilalaro mo sa psp? Ganun na ganun . Pati sa mga truck, taxi, jeep at bus nakikipagkarera at nagoover take pa sya .

Nataong masama ang pakiramdam ko, bad mood din ako nung araw na un dahil nagaway kami ng bestfriend ko at maliban dun katatapos lang ng bwan ng dalaw ko kaya masakit sa dibdib ang masyadong mabilis na pagpapatakbo. Nakakatense din kasi ang mapasama sa ganun kabilis na ride - hindi mo alam kung makakauwi kang buhay o uuwi kang mumu sa bahay niyo. Kaya na pagdesisyunan kong pumara na para lumipat ng jeep. Sumigaw ako ng para sa unang pagkakataon pero dedma si manong mukhang ndi ako narinig. Ehem ehem sumigaw uli ako sa pangalawang pagkakataon na medjo mas malakas sa una kong sigaw. May diin at may halong galit na ang sigaw ko sa pagkakataon na un ,dala siguro ng nararamdaman kong sakit sa dibdib at pagkabadtrip sa bestfriend ko. Isinigaw ko ang :

"Manong para, ang bilis nyo magpatakbo . Natatae na ba kayo?" sabay hinto ng jeep, tawanan ng mga tao at baba ko.

Pagkababa ko sa jeep dun ko lang naisip ung isinigaw ko sa driver . Shit! Nakakahiya, hindi ko napansin ung sinabi ko sa sobrang badtrip - kaya nung pumara ako ng isang jeep nakangiti ako at pigil ang tawa hahaha . Kaya aun natawa ako sa sinabi ko at nawala din ung badtrip ko. *Peace manong driver lol






Paid To Promote